Hangga’t single ka, mahalin mo yung sarili mo. Sobrang sobrang mahalin mo yung sarili mo. Gawin mo lahat ng gusto mong gawin. Wag kang magmadali na makahanap ng bago. I-enjoy mo yung pagkasingle mo. I-enjoy mo yung pagiging malaya na naibibigay sayo ng pag-iisa. Para kapag dumating na yung taong para sayo at tumibok ulit yung puso mo, wala kang pagsisisihan. Hindi mo na rin kakailanganin o magagawang umasta na parang single kasi nagawa mo na yun lahat nung wala pa siya. Lahat ng bagay may oras at lugar. Matuto kang maghintay at makuntento sa kung anong bigay sayo. Mamaya sa kakamadali mo na magkaroon ng bago, magkamali ka pa ng pagpili. Sige ka, ikaw rin.
(Source: thespringprincess)